Heart Evangelista supports Chiz's stand on issues


By on 5:28 AM

Aminado si Heart Evangelista na kahit non-showbiz ang topic tungkol sa abolition ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), o mas kilala bilang pork barrel, ay napag-uusapan din nila ito ng kanyang nobyo na si Senator Chiz Escudero.

Bilang isang malayang mamamayan ng Pilipinas ay karapatan niya na suportahan ang mga opisyal ng pamahalaan na nagsusulong nito, lalo na ang Anti-Pork Barrel rally na gagawin bukas, August 26, sa Luneta Grandstand ganap na alas nuwebe ng umaga.

Panimulang kuwento ni Heart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, August 25, nang makausap namin ito pagkatapos ng Sunday musical variety show ng GMA-7, ang Sunday All Stars, “Oo, napag-uusapan namin. We talk about it.


It’s very hard to have an opinion or say something especially if you are identified with a politician.

“You don’t also wanna mix the two [showbiz and politics] together but as an individual, I do have a stand.

“I think they [the government] should really take it out. Corruption all begins with that.

“I think there’s something that they could do to change and really be realistic about the whole thing. It’s a source of corruption.

“I will support the rally but I also believe that…basta, I’ll just support it.”

Support for Chiz

Pagdating talaga sa mga adhikain ng kanyang boyfriend ay ibinibigay ni Heart ang kanyang all-out support.

Saad pa niya, “It’s not just when it comes to this issue but to any kind of issue.

“The most important is that you keep yourself updated with what’s going on in this country and before kasi I don’t pay much attention.

“Now, I realized that I should know what’s going on and I think another way to support him is to read about all these things.

“Also, I try to listen to what he’s saying and he needs someone to talk to but hindi rin ako nakikialam.”

Busy with showbiz commitments

Pagkatapos nito ay napag-usapan namin ang sobrang pagiging busy niya sa ngayon.

May panahon pa ba siya sa kanyang sarili?

Aniya, “I’m doing a movie now. I’m doing a soap [opera].

‘This time kasi puno ang slot sa panghapon... I mean sa primetime. I’ll be doing an afternoon soap with, I think, Sid Lucero and Alessandra de Rossi at ang dami pang mga artista na magagaling.

“I’m so happy.

“Lately, I had time for myself also. But, I’ll be busy everyday na... almost everyday.”

Wala naman daw siyang reklamo sa dami ng proyekto na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

Nakangiting sabi ng 28-year-old actress, “No complains.

“You know, everyday we want to work and think about the future... ganyan.

“Startalk (TX), babalik ako kapag walang shooting. Natutuwa ako kasi na-e-enjoy ko ang Startalk.

“Actually, it’s something that I was against before kasi ang feeling ko, nagtsitsismis ako sa buhay ng ibang artista.

“But I guess, bilang isang artista ay naiintindihan ko rin how you could be... kung paano mo rin babalansehin ang lahat.”

Kung sakali raw bang hilingin na si Sen. Chiz ang interbyuhin niya kahit ayaw niya talagang mangyari ito, willing ba siya basta piling-pili lamang ang mga itatanong?

“Hindi rin,” mariing sabi niya. “I guess I’ll be open about my lovelife but to be so public like that, I’m not for it anymore.”

Kahit nga raw nag-o-override na nang husto ang publiko sa isyu sa kanilang dalawa.

Pahayag niya, “No, I don’t really care.

“Minsan din kasi I wanna take and a rest and it’s been quiet which is very good. Ganoon naman talaga.

“I believe dati there’s always noise pero eventually ay nawawala rin ang ingay. So, okay na rin.”

The calm after the storm

Sa ngayon ay mas maayos na niyang mahaharap ang anumang problema na puwede niyang pagdaanan.

Mas kaswal at mas cool na siya kapag kausap.

Muli siyang napangiti at nagsabing, “I guess it comes with age and also, experience.

“When you think about what happened in your life, there’s nothing you can do about it but you have to just wait for it to pass.

“And I’ve been through that and I’m really okay now.

“Sana tapos na kasi ayaw ko naman na…you know…I mean, you really can’t expect na it will last. But this is life, this is reality.

“Something will always come up and as long as you know how to deal with it one day at a time.”

Kaya kahit ang tungkol sa kanyang pamilya ay handa rin siyang pag-usapan ito.

“Okay na naman kami,” sambit ng Kapuso star. “Okay na kami. Yeah, okay na kami.

“Magandang balita pero the only reason why na ayaw ko siyang pag-usapan kasi I don’t want the sincerity to be questioned.

“I’m not doing anything and whatever I’m doing for myself, it’s not to please anybody, it’s just for me.”